Sangkap sa bio-diesel itinatanim na
June 18, 2006 | 12:00am
INFANTA, Quezon Sinimulan na ng lokal na pamahalaan ang pagtuklas ng alternatibong fuel na maaaring magamit sa mga sasakyan at ito ay sa pamamagitan ng jethropa o tuba-tuba.
Ayon sa mga eksperto, ang buto ng tuba-tuba ay 30 porsyentong bio-diesel na pwedeng pagkunan ng kinakailangang fuel o langis na kahalintulad ng inaangkat ng Pilipinas mula sa ibang bansa.
Sinabi ni Joel Lumagbas, spokesperson ng Nestlé Philippines, na kung ang mga nakaimbak na langis sa Gitnang Silangan ay pwedeng maubos, ang mga langis na manggagaling sa buto ng tuba-tuba ay hindi maaaring maubos hanggang patuloy itong itinatanim.
Bukod dito, ang sapal o pinagkatasan ng tuba-tuba ay isa ring mataas na uri ng fertilizer na maaaring magamit sa muling pagtatanim ng jethropa (tuba-tuba).
Sa inisyal na pagtuklas ng alternative fuel ay naisagawa sa isang seminar kamakailan na nilahukan ng may 400 residente mula sa mga bayan ng Real, Infanta at General Nakar na pawang mga sinalanta ng 2004 flashflood.
Napag-alamang aabot sa 10,000 ektaryang lupain ang pagtataniman ng tuba-tuba sa mga nabanggit na bayan kung saan makapagbibigay ng karagdagang halaga sa 2,000 magsasaka
Ang Nestlé Philippines, ang isa sa planta na magsasagawa ng proseso ng mga buto ng tuba-tuba upang makuha ang langis na tinatayang makakasapat sa pangangailangan ng mga motorista. (Tony Sandoval )

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest