Pamilya, 5 minasaker
June 12, 2006 | 12:00am
CAMP CRAME Brutal na kamatayan ang sinapit ng limang magkakasambahay sa kamay ng hindi kilalang salarin na pinaniniwalaang sinapian ng masamang espiritu makaraang pagtatagain ang mga biktima sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Astorga sa bayan ng Tungan, Leyte, kamakalawa.
Animoy kinatay na baboy ang mga katawan nina Elpidio Estember, Lyndon Estember; kaniyang live-in partner na si Joselyn Prego; anak nitong si Donalyn Prego, 1; at isang tinukoy lamang sa Boboy na pawang residente ng nabanggit na barangay.
Base sa ulat ng pulisya na isinumite sa Camp Crame kahapon, nadiskubre ang bangkay ng mga biktima dakong alas-9 ng umaga na pinaniniwalaang isinagawa ang krimen sa pagitan ng alas-12 ng hatinggabi hanggang pasado alas-2 ng madaling-araw.
Sa inisyal na imbestigasyon, lumilitaw na ang mga biktima ay mahimbing na natutulog nang pasukin ang bahay ng hindi pa nakilalang sibilyan na pawang may sapi ng masamang espiritu.
Sa salaysay ng mga kapitbahay, nagulat na lamang sila sa kalabugan at iyakan na kanilang narinig mula sa tahanan ng mga biktima.
Inakalang away pamilya lamang ito ay hindi nila pinansin hanggang sa kinabukasan ay matuklasan ang karumaldumal na krimen. Kasalukuyang sinisilip ng mga awtoridad na posibleng may kaugnayan sa krimen ay ang alitan sa lupa. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended