^

Probinsiya

MOU vs kamandag ng aso pinaigting

-
TRECE MARTIRES CITY, Cavite – Lalung pinaigting ang kampanya laban sa kamandag ng aso, ‘rabis’ makaraang pirmahan nina Cavite Gov. Ayong S. Maliksi at Dr. Ma. Vilma V. Diez, provincial health officer ang memorandum of understanding (MOU) sa pakikipagkasundo ng General Mariano Alvarez Medicare Hospital at Dasmariñas Bagong Bayan Municipal Hospital na ginanap sa Animal Bite Center sa Trece Martires City noong Lunes ng umaga, Hunyo 5.

Sinabi ni Gov. Maliksi na nararapat na bigyang prayoridad ang pakikipagkasundo sa naturang ahensya upang palakasin at palawakin ang kaalaman ng mga Caviteño laban sa kamandag ng aso.

Layunin din ng nabanggit na kasunduan na matulungan ang mga mahihirap na mamamayan sa Cavite sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng intra-dermal injection ng Active Anti-Rabies Vaccine sa una at huling araw ng pagpapagamot.

Umaabot sa P4,000 hanggang P5,000 ang pagpapabakuna kaya malaking katipiran sa mga maralitang Caviteño ang naturang programa at napili ang GMA Medicare Hospital at DBB Municipal Hospital dahil ito ang may pinakamaraming naitalang may sakit na rabies.

"Nagagalak ako sa suportang ibinibigay ni Gov. Maliksi sa pagsusulong ng programang pangkalusugan ng Cavite. Umaasa ang pamunuan ng PHO na makakamit ng mga Caviteño ang pagkakaroon ng malusog at maliksing mamamayan," Dagdag pa ni Dr. Diez. (Arnell Ozaeta)

ACTIVE ANTI-RABIES VACCINE

ANIMAL BITE CENTER

ARNELL OZAETA

AYONG S

BAGONG BAYAN MUNICIPAL HOSPITAL

CAVITE

CAVITE GOV

DR. DIEZ

DR. MA

MALIKSI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with