3 Korean nationals nilooban ng Akyat-Bahay
June 5, 2006 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, Laguna Natikman ng tatlong Korean nationals ang lupit ng kilabot na "Akyat-Bahay Gang" nang pasukin ang kanilang apartment saka tinangayan ng humigit kumulang na P.7 milyon at tinangka pang gahasain ang isa sa mga ito sa Brgy. Tambo, Lipa City kamakalawa.
Kinilala ng Lipa City Police ang mga biktima na sina Kim Eugene, 33, Pastor ng Methodist Church Korean, asawang si Kim Woong Tae at Kim Sun Mi, 36, pawang nakatira sa Villa Lourdes Subdivision, Brgy. Tambo.
Ayon sa imbestigasyon, bandang alas-2:30 ng hapon habang ang mga biktima ay nagbaba ng kanilang mga bagahe sa kanilang Ford Everest na pag-aari ni Eugene nang bigla na lamang dumating ang apat na armadong lalaki at mabilis na pumasok sa naturang apartment.
Sinabi ng mga imbestigador na itinali pa sa kamay ang mga dayuhang biktima matapos ay pumasok sa loob ng kuwarto ni Kim Sun ang isa sa mga suspek. Nang makita si Kim Sun ay tinangka pa siyang pagsamantalahan ng isa sa mga magnanakaw subalit hindi nito itinuloy nang makita nitong may regla o menstruation ito.
Nabatid na umabot sa 15 minuto ang ginawang paghahalughog ng mga suspek at matapos na makuha ang P128,000 at $11,000 cash ay mabilis na sumibat sa hindi malamang direksyon.
Wala pang matukoy ang pulisya kung anong grupo ang umatake sa tatlong dayuhan subalit malaki ang paniwala ng pulisya na ang robbery gang na ito ang siya ring may kagagawan sa serye ng panloloob at panghoholdap sa mga lalawigan ng Batangas at Laguna. (Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest