Dahil sa pamemeke ng mga school credentials: Regional director sinibak sa puwesto
June 4, 2006 | 12:00am
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya Pinaniniwalaang pamemeke ng mga scholastic credentials ng isang regional director ng Bureau of Local Government Finance (BLGF) kaya sinibak ito sa tungkulin ng Presidential Anti-Graft Commission (PAGC).
Si Orlando Mina, BLGF regional director ng Cagayan Valley ay napatunayang guilty dahil sa paglabag sa Republic Act (RA) 3019 na mas kilala bilang Anti-Graft and Corrupt Practices Act dahil sa pamemeke ng kanyang mga personal na school credentials.
Batay sa mga dokumento PAGC, napag-alamang na bago nahirang si Mina bilang regional director ng Region 02 noong Aug. 2003 ay nanilbihan ito bilang ingat-yaman ng lokal na pamahalaan ng Palawan City; provincial treasurer ng Quirino noong 1990-1993; BLGF assistant regional director ng Cagayan Valley noong 1993-2002, Cordillera Region noong 2002-2003 at Ilocos Region noong 2003.
Nabatid na pinalabas ni Mina na natapos niya ang college degree na Bachelor of Science in Commerce sa Northeastern College ng Santiago City, Isabela, maging ang kanyang Masters at Doctorate Degree in Public Administration sa University of La Salette sa nasabi ring lungsod.
Subalit ang mga dokumentong naglagay kay Mina bilang municipal, provincial at ngayon ay director ng BLGF ay napatunayan ng PAGC na pawang mga peke batay na rin sa mga certification ng mga nabanggit na eskuwelahan.
Dahil dito, ayon sa pamunuan ng anti-graft commission, si Mina ay guilty din sa paglabag sa RA 7160, na kilala bilang Local Government Code of 1991 ng Section 470 kung saan nag-uutos na ang isang assistant provincial o city treasurer ay kailangang degree holder from a recognized college or university, and a first-grade civil service eligible.
Matapos ang mahigit sa 20-taong serbisyo sa gobyerno, hindi rin maipagkakaloob kay Mina ang mga benepisyo at idi-disqualify agad ito sa re-employment sa lahat na sangay ng gobyerno.
"Due to the false pretenses of the respondent (Mina), the government suffered undue injury by paying the salaries, including the performance of governmental functions of a person, who from the very start lacked the necessary qualifications and competence to enter public service," ayon sa desisyon PAGC noong May 17, 2006. (Victor P. Martin)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am