^

Probinsiya

4 parak sabit sa kidnapping

-
CAMP CRAME – Mga tauhan na naman ni PNP Chief Director General Arturo Lumibao ang sangkot sa kasong kidnapping makaraang masakote ang tatlong pulis sa pagdukot ng isang negosyante sa isinagawang entrapment operation sa bayan ng Mabalacat, Pampanga may ilang araw na ang nakalipas.

Pormal na sasampahan ng kaukulang kaso ang mga suspek na sina P/Senior Inspector Robert Canda, PO3 Alberto Dizon at PO2 Darwin David na ngayon ay naghihimas ng rehas na bakal matapos na mabitag sa isinagawang operasyon sa nabanggit na lalawigan kamakalawa.

Tugis naman ang itinuturong mastermind na si P/Senior Insp. Jose Mari Basa.

Ayon kay P/Senior Supt. Leonardo Espina, provincial director, ang mga suspek ay sangkot sa pagdukot sa negosyanteng si Randy Ocampo na naging asset ng pulisya at residente ng Camachile St., Dau, Mabalacat, Pampanga.

Napag-alamang humihingi ng P.1 milyon ransom ang mga suspek kapalit ng kalayaan kaya nagreklamo ang asawa ni Ocampo na si Aiza kay Espina tungkol sa nabanggit na insidente.

Sa salaysay ni Aiza, nakipagnegosasyon sila sa mga suspek para maibaba sa P50,000 ang ransom kung saan ang pay-off ay napagkasunduan sa pizza parlor na sakop ng Balibago, Angeles City.

Kaagad namang nagsagawa ng rescue operation ang mga awtoridad hanggang sa maaktuhan si P/Senior Insp. Canda na tinatanggap ang ransom money mula sa asawa ng biktima.

Sumunod namang naaresto ang iba pang suspek na parak habang nagawang makapuslit ni P/Senior Insp. Basa. (Joy Cantos)

AIZA

ALBERTO DIZON

ANGELES CITY

CAMACHILE ST.

CHIEF DIRECTOR GENERAL ARTURO LUMIBAO

DARWIN DAVID

JOSE MARI BASA

JOY CANTOS

LEONARDO ESPINA

SENIOR INSP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with