Dalagita pinilahan
May 25, 2006 | 12:00am
BATAAN Nawasak ang magandang kinabukasan ng isang dalagita sa kamay ng apat na kabataan na pinaniniwalaang lango sa droga makaraang pilahan ang biktima sa bakanteng lote na sakop ng Barangay A. Rivera sa bayan ng Hermosa, Bataan kamakalawa ng hatinggabi.
Luhaang dumulog sa himpilan ng pulisya ang biktimang itinago sa pangalang Maryann, 15, hayskul student sa nabanggit na bayan, samantalang tugis ng pulisya ang mga suspek na sina Marck Daniel Santos, John Erick de Jesus, Boyeth Rivera, at Jaime Santos na pawang residente ng nabanggit na barangay.
Sa pagsisiyasat ni PO1 Maryjane Ponciano, inimbitahan ng mga suspek ang biktima na magmeryenda matapos ang panonood ng larong volleyball sa plaza.
Napag-alamang hinaluan ng pampatulog ang ininom na juice ng biktima kaya ito inantok hanggang sa magising na lamang na walang saplot at duguang nananakit ang maselang bahagi ng katawan na palatandaang naisagawa ang maitim na balak ng mga suspek.
Pormal na inihahanda ang kaukulang kaso laban sa mga suspek na ngayon ay nagtatago sa hindi binanggit na lugar. (Jonie Capalaran)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest