Nangingitim na ang katawan nang matagpuan ang biktimang si John Rubis, 5, samantalang ang suspek na nasakote at nagtangkang magpakamatay sa pamamagitan ng lason ay nakilalang si Gorgonio Rubis, may-ari ng 4 The Boys Videoke.
Sa impormasyong nakalap ng pulisya mula sa mga kapitbahay ng pamilya Ruiz, naaburido sa buhay ang suspek dahil iniwan ng kanyang misis.
Posibleng sinaniban ng masamang espiritu ang suspek at ang pinagdiskitahan ang sariling anak na lalaki.
Nabatid na pinasok ng suspek ang kuwarto ng anak na natutulog bago sinakal at tinakpan ng unan sa mukha ang biktima upang hindi makahinga hanggang sa mamatay.
Napag-alamang tinangkang takasan ng suspek ang krimen sa pamamagitan ng lason saka sumakay ng van, subalit maagap naman ang pulisya at naharang ang sasakyan pagsapit sa checkpoint.
Agad naman isinugod sa Camarines Norte Provincial Hospital ang suspek matapos na malamang uminom ng lason, habang inihahanda ang pormal na asunto.