2 pulis nilikida ng NPA rebs
May 21, 2006 | 12:00am
CAMP CRAME Binistay ng bala ng malalakas na kalibre ng baril hanggang sa mapatay ang dalawang tauhan ng pulisya ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) habang ang mga biktima ay nagbabantay sa town dance party sa Barangay Mabini, Escalante City, kamakalawa.
Kinilala ang mga nasawing biktima na sina PO1 Melvin Villacampa ng 6th Regional Mobile Group at PO1 Albert Escala ng Escalante Police Office.
Ayon sa ulat, ang dalawa ay kabilang sa four-man team na itinalaga ng kanilang hepe para sa seguridad ng nabanggit na lugar sa pakiusap na rin ng barangay captain.
Napag-alamang nasa labas ng plaza ang mga biktima nang biglang sumulpot ang ilang armadong kalalakihan at agad na nagpaulan ng sunud-sunod na putok ng baril.
Tinangay ng mga rebelde ang dalawang M-16 rifles ng dalawang biktima saka tumakas sa hindi na nabatid na direksyon.
Napag-alamang ang naganap na insidente ay kasunod ng pagbisita ni Lt. Gen. Samuel Bagatsing, commander ng AFP Central Command sa 11th Infantry Brigade Command sa La Granja, La Carlota City, Negros Occidental.
Ayon kay C/Supt. Charles Calima, ang mga rebeldeng pumatay sa dalawa ay kabilang sa grupong sumalakay sa police detachment ng Escalante City noong March 19.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended