8 kawani ng DPWH timbog sa pagnanakaw
May 17, 2006 | 12:00am
IBA, Zambales Walong kalalakihan na pinaniniwalaang kawani ng Department of Works and Highways (DPWH) ang dinakip ng mga tauhan ni Zambales Gov. Vicente Magsaysay makaraang maaktuhang nagbebenta ng bakal na pag-aari ng gobyerno sa isang junkshop sa bayan ng Iba, Zambales kamakalawa ng hapon.
Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Jose Cayabyab, Leonardo Penalosa, Santos Salazar, Maximo Padrigo, Rolly dela Cruz, Jorge Salazar, Remier dela Cruz at Michael Daylo na pawang kawani ng DPWH na nakabase sa bayan ng Iba, Zambales.
Ayon sa imbestigador ng pulisya na pinangunahan ni SPO1 Ramon Supe, namataan ni Gov. Magsaysay, ang mga suspek na sakay ng dump truck na pag-aari ng DPWH, at pagsapit sa isang junkshop ay ibinababa ang mga bakal.
Kaagad namang pinapapuntahan ni Magsaysay sa kanyang mga alalay na sina PO3 Jephonneh Batal, PO2 Raul Corpuz, at Allan Gutierrez, para usisain, subalit nagsipulasan ang mga suspek nang makilala ang mga pulis hanggang masakote at iniharap sa nabanggit na Gobernador.
Inamin ng may-ari ng junkshop na ibinebenta sa kanya ang mga bakal partikular na ang steel railing ng tulay, ayon sa pulisya. (Fred Lovino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am