^

Probinsiya

MIMAROPA nanguna sa pagpatay sa mga militante

-
CAMP CRAME – Nanguna sa talaan ang MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan) o Region IV-B sa may pinakamataas na bilang ng mga pinaslang na partylist group o mga militante.

Ito ang inihayag kahapon ni Deputy Director General Avelino Razon Jr., pinuno ng binuong Task Force Usig na naatasang mag-imbestiga ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Ronaldo Puno sa serye ng tumataas na bilang ng pamamaslang sa hanay ng mga lider at miyembro ng militanteng grupo sa bansa.

Sinabi ni Razon, PNP Directorate for Operations, na ang Region IV-B ay nakapagtala ng 28 kaso ng mga pinatay na lider militante o 23% simula noong 2001.

Ayon kay Razon sa nasabing bilang, 92 insidente o 76% ng mga pinatay ay mula sa Bayan Muna, 23 o 19% ay sa Anakpawis, dalawa sa Gabriela at apat naman sa iba pang grupo ng mga militanteng organisasyon.

Aabot sa 18 kasong kriminal ang naisampa sa korte habang 103 naman ang patuloy na isinasailalim sa masusing imbestigasyon.

Kaugnay nito, iginiit naman ni AFP-PIO Chief Col. Tristan Kison na hindi dapat ibunton ng mga militanteng grupo ang sisi sa militar sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga pinapatay sa hanay ng naturang organisasyon.

Binuweltahan rin ni Kison ang New People’s Army (NPA) rebels na nasa likod ng pamamaslang sa mga lider ng militante, alinsunod sa binuhay na Oplan Ahos o ang pagtutumba sa mga hinihinalang espiya ng kilusang komunista.

Ang Oplan Ahos ay naging aktibo noong dekada 80 sa kasagsagan ng insureksyon sa bansa. (Joy Cantos)

vuukle comment

ANG OPLAN AHOS

BAYAN MUNA

CHIEF COL

DEPUTY DIRECTOR GENERAL AVELINO RAZON JR.

JOY CANTOS

NEW PEOPLE

OPLAN AHOS

RAZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with