Plane crash: 2 piloto ligtas
May 15, 2006 | 12:00am
CAMP CRAME Dalawang piloto ang himalang nakaligtas nang aksidenteng bumagsak at sumalpok sa runway ang kanilang pinapalipad na eroplano habang papa-landing sa Mactan-Cebu International Airport sa Cebu City kamakalawa ng hapon.
Ang mga nakaligtas bagaman nagtamo ng mga galos at sugat sa katawan ay sina Capt. Mark Calasinao, piloto ng Cessna plane at student pilot nitong Korean national na hindi natukoy ang pangalan.
Batay sa ulat, dakong alas-3:50 ng hapon habang aktong magla-landing sa nasabing paliparan ang Cessna plane na pinalilipad ni Calasinao at ng student pilot na Koreano nang maganap ang insidente.
Ang Cessna plane ay pag-aari ng Adventure Flight and Sports Education, isang flying school.
Ang Korean student pilot na kabilang sa 24 estudyante ay nakatakdang sumabak sa kanilang kauna-unahang flying test flight bago maganap ang pagbagsak ng naturang eroplano.
Lumilitaw sa inisyal na imbestigasyon na bunga ng malakas na hangin ay nahirapan si Calasinao na kontrolin ang eroplano na tuluy-tuloy na bumulusok sa runway ng paliparan at sumalpok sa isang bagong modelong Honda Civic Sedan na minamaneho naman ni Salvador Abadesco.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest