Anti-narcotics deputy chief todas sa ambush
May 13, 2006 | 12:00am
BATAAN Patay ang Deputy Chief ng Drug Enforcement Unit (DEU) matapos na pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakilalang armadong salarin na hinihinalang miyembro ng isang drug syndicate sa naganap na ambush na ikinasugat rin ng isang bystander sa Abucay ng lalawigang ito kahapon ng umaga.
Kinilala ang biktima na si SPO4 Reynaldo Raymundo, Deputy Chief ng Drug Enforcement Unit ng Abucay Municipal Police Station (MPS).
Ayon kay Police Regional Office (PRO) 3 Commander Chief Supt. Ismael Rafanan ang biktima ay kasalukuyang lulan ng kaniyang motorsiklo papasok sa trabaho nang pagbabarilin ng mga suspek sa town proper bandang alas-9:10 ng umaga.
Bigla na lamang umanong pinaputukan ng mga salarin ang biktima na duguang bumulagta sa insidente at minalas namang tamaan ng bala ang isang bystander.
"This case has something to do with previous anti-drug operations," pahayag ni Rafanan sa isang phone interview.
Ang biktima ay natadtad ng mga tama ng bala ng cal .45 pistol at cal 9 MM na siyang tumapos sa buhay nito.
Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang siyam na basyo ng cal .45 pistol at siyam na bala ng cal 9 MM.
Kasalukuyan pang isinasailalim sa masusing imbestigasyon ng mga awtoridad ang motibo ng pamamaslang. (Jonie Capalaran)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest