^

Probinsiya

Misteryosong pagpatay sa opisyal ng ospital, pinaiimbestigahan

-
TAGAYTAY CITY, Cavite – Malalimang imbestigasyon ang ipinag-utos ng pamunuan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) upang matukoy ang tunay na ugat at mastermind sa misteryosong pagkawala at natagpuang bangkay ng isang opisyal ng ospital sa bayan ng Bacoor, Cavite noong April 17, 2006.

Sa direktiba ni P/Chief Supt. Jesus Versoza, hepe ng CIDG kay P/Supt. Elwin Fernandez, field officer ng CIDG-Cavite, pinamamadali ang pagsisiyasat sa pagkakapatay kay Baltazar Santander, 50, Human Resource and Quality Assurance Officer ng Prime Global Care Medical Center na matatagpuan sa Cabesas panulukan ng Avenida Phase 2, Bahayan Pag-asa, Molino, Bacoor, Cavite.

Sa panayam ng PSN kay Fernandez, bigla na lang dinukot ng ’di-kilalang mga suspek si Santander habang naglalakad papunta sa kalapit na banko sa kanilang ospital bandang alas-10 ng umaga.

Pagkalipas ng dalawang araw, natagpuan ang bangkay ni Santander sa madamong bahagi ng Barangay Sungay sa Tagaytay City na may basag ang bungo, nakagapos ang mga kamay, paa, nakapiring at may suklob na plastic sa ulo.

Noong April 20, kinilala ng anak ni Santander na si Bj ang bangkay nito habang nakalagak sa Bartolome Funeral Homes sa Dasmariñas, Cavite.

Si Santander ay tubong Bacolod at naninirahan sa Osmium St. Golden City, Imus, Cavite.

Kasalukuyang naghahagilap ng mga ebidensya ang mga imbestigador ng CIDG upang malaman ang motibo at ang utak sa pagpatay sa biktima. (Arnell Ozaeta)

ARNELL OZAETA

AVENIDA PHASE

BACOOR

BAHAYAN PAG

BALTAZAR SANTANDER

BARANGAY SUNGAY

BARTOLOME FUNERAL HOMES

CAVITE

CHIEF SUPT

SANTANDER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with