7 himpilan ng pulisya itatayo

LA TRINIDAD, Benguet – Pitong modernong himpilan ng pulisya sa nasabing rehiyon ang nakatakdang ipatayo matapos aprubahan ni PNP Director General Arturo Lomibao ang P11.07 milyon pondo sa ilalim ng Integrated Transformation Program (ITP) ng kapulisan.

Ipinahayag ng Police Regional Office-Cordillera sa pamamagitan ni P/Chief Supt. Raul Gonzales, regional director, ang mga police stations na natakdang baguhin at gawin moderno ay ang bayan ng Pinukpuk, Tinglayan, Rizal at Balbalan sa Kalinga; Aguinaldo at Alfonso Lista sa Ifugao at ang kampo ng 1604th Provincial Police Mobile Group sa Buguias, Benguet.

"Ang modernisasyon ng mga police station sa bansa, lalo na sa liblib na lugar ay programa ni PNP Chief Lomibao sa ilalim ng PNP Integrated Transformation Program (ITP), upang ganap na mabigyan ng serbisyo ang mga mamamayan," ani Gonzales.

Ang PNP-ITP ay 10 taong kampanya para resolbahin ang mga isyu sa organisasyon ng kapulisan; palakasin ang serbisyo-publiko at maging dekalidad ang bawat personnel.

Ang nabanggit na programang ay base sa findings at rekomendasyon ng PNP Reform Commission of the Republic of the Philippines at ng United Nations Development Program or RP-UNDP, na siyang daan para sa development ng pasilidad na nakatuon sa pinaigting na police stations. (Artemio A. Dumlao)

Show comments