3 holdaper hinatulan ng 8 taong kulong
April 29, 2006 | 12:00am
BAGUIO CITY Tatlong kalalakihan ang hinatulan ng walong taong pagkakulong, kaugnay sa panghoholdap ng mga akusado sa isang estudyante, noong nakalipas na taon sa Baguio City.
Sa 11-pahinang desisyon na ipinalabas ni Judge Ruben Ayson, ng Baguio City Regional Trial Court, Branch 6, hinatulan sina Jimmy Baron, Jay-ar Montano at Peter Orbilla.
Inatasan din ng korte na magbayad ang mga akusado ng P16,200 bilang moral at actual damages sa biktimang si Mae Cariso.
Base sa rekord ng korte, hinarang ng mga akusado ang biktimang naglalakad sa iskinitang sakop ng Bokawkan Road noong Setyembre 30, 2005.
Tinangay ang celfone at bag saka sinuntok sa sikmura ang biktima, bago nagsitakas ang mga akusado. Nasakote ang mga akusado sa isinagawang follow-up operation. (Artemio A. Dumlao)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest