Mag-inang trader dinukot
April 13, 2006 | 12:00am
ZAMBOANGA CITY Kumilos na naman ang grupo ng mga kidnaper sa bayan ng Jolo, Sulu matapos na dukutin ang mag-inang trader malapit sa kanilang bahay sa Kakuyugan Village, kahapon ang umaga.
Ayon kay Jolo Mayor Al-Khamer Izquierrdo, ang mga biktimang may-ari ng pharmacy sa downtown ng Jolo ay nakilalang sina Caridad Sinurah Vergara, 70; at ang anak na si Beltran, 41.
Nakikipag-ugnayan na ang tropa ng militar sa pulisya para galugadin ang buong bayan ng Jolo na kilalang pugad ng mga bandidong Abu Sayyaf.
Walang malinaw na motibo ang nasisilip ng pulisya sa dinukot na mag-inang trader, ayon sa ulat.
Hindi naman ipinahayag ng militar kung may kinalaman ang grupong Abu Sayyaf sa pinakahuling insidente ng kidnapping sa nabanggit na bayan.
Base sa talaan ng pulisya, ang mga bandidong Abu Sayaf ay nagpapadala ng liham sa mga negosyante sa Jolo na may kinalaman sa pangongotong at sakaling hindi makapagbigay ay binabantaan.
Malaki ang posibilidad na grupo ng Sayyaf ang pangunahing suspek sa naganap na insidente. (Roel Pareño)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest