Pinugutan sa palengke
SOLANO, Nueva Vizcaya Pinagtulungang gulpihin at tagpasin ang leeg hanggang sa mapatay ang isang binata na kanyang nakaalitan kamakalawa ng tanghali sa loob ng public market ng bayang nabanggit. Kinilala ng pulisya ang biktima na si BoniJoe Gaspar ng Barangay Bonfal West, Bayombong, Nueva Vizcaya, samantala, nadakip ang suspek na si Samson Ortiguero ng Barangay San Juan, Solano, habang sumuko sa pulisya ang isa sa dalawang suspek na si Lapito Balcita. Sa ulat ni PO2 Henry Valezuela na isinumite kay P/Supt. Dionisio De Guzman, hepe ng Solano. Nagkasalubong ang biktima at mga suspek sa naturang lugar hanggang sa maganap ang insidente. (Victor Martin)