No. 10 most wanted, laglag
April 9, 2006 | 12:00am
CAMP CRAME Bumagsak sa kamay ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Air Force at Batangas Provincial Police Office ang tinaguriang number 10 most wanted criminal sa Southern Tagalog, ayon sa ulat ng PNP Camp Crame kahapon.
Sa report, kinilala ang nadakip na si Dario Almonte na gumagamit ng mga alyas na Dionisio, Leo, Ka Jojo at Oman.
Sinabi ni Sr. Supt. Samuel Pagdilao, PNP spokesman na ang suspek ay naaresto ng PAF at PNP sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Primo Rines ng Municipal Trial Court ng Real, lalawigan ng Quezon.
Si Almonte ay natunton sa pinagtataguan nitong hide-out sa Sitio Puro, Brgy. Sta. Clara, Batangas City.
Sinasabing magpapahinga umano sa kanyang kuta ang suspek habang naghahanda ng makakain nang biglang sumalakay ang mga kagawad ng military at pulisya.
Si Almonte ay nahaharap sa kasong kidnapping with serious illegal detention at ito ngayon ay nasa pangangalaga ng 301st Air Force Intelligence Security Squadron para sa kaukulang imbestigasyon. (Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest