Murder vs solon, vice mayor, Army colonel
April 5, 2006 | 12:00am
Siyam katao ang sinampahan kahapon ng kasong kriminal kabilang ang isang incumbent congressman, anak nitong Army colonel at isang vice mayor matapos na iturong utak sa pagpatay kay Comelec officer Felimon Asperin Jr. sa La Union noong Enero 12, 2006.
Ang mga kinasuhan ng murder sa Bauang, La Union Prosecutors Office ay kinilalang sina Rep. Thomas Dumpit Sr. incumbent congressman ng 2nd district ng La Union, anak nitong si Army Lt. Col. Thomas Dumpit Jr., incumbent Caba, La Union Vice Mayor Clyde Crispino, isang Tess Dumpit Michelena, SPO1 Eduardo Banay, security escort ni Rep. Dumpit; Renato Batoon at isang Armen Met.
Kahapon iniharap naman ng PNP sa Camp Crame ang mga unang nasakoteng suspek na sina Dominador Ali Rentuma, driver ng get-away vehicle at ang gunmen na si Ares Alvares Mato, kapatid ni Armen; pawang sa Polomolok, South Cotabato.
Ang pagkakasangkot sa mag-amang Dumpit at iba pang opisyal ay makaraang ikanta nina Rentuma at Mato na umanoy mga mastermind sa krimen.
Si Rentuma ay unang sumuko sa awtoridad matapos na magkaroon ng onsehan sa kanilang partehan ng P300,000 na ibinayad ni Col. Dumpit sa kanila kapalit ng pagpatay kay Asperin Jr. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am