Lady trader itinumba
April 3, 2006 | 12:00am
CALUMPIT, Bulacan Isang businesswoman ang nasawi habang isang 16-anyos na dalagita ang malubhang nasugatan matapos na paulanan ng bala ang tahanan ng una sa Brgy. Gatbuca sa bayang ito kamakalawa ng gabi
Kinilala ni P/Chief Inspector Prudencio Legazpi, hepe ng pulisya ng bayang ito ang biktima na si Loreta Maglalang y Bulos, 37, isang businesswoman na nakatira sa nasabing barangay.
Si Maglalang ay nagtamo ng tama ng baril sa ibat-ibang bahagi ng katawan na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan samantalang ang dalagitang si Gelly An Marcuapi, ng Brgy. Capalangan, Apalit, Pampanga ay tinamaan sa kanang binti at agad na isinugod sa Bulacan Provincial Hospital sa Malolos.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, tinapatan ng mga hindi pa nakilalang suspek ang bahay ng negosyante. Tinawag ng mga suspek ang biktima at paglabas nito ay sunod-sunod na pinaputukan ng baril at nadamay naman si Marcuapi.
Matapos ang pamamaril, tumakas ang mga suspek patungo sa MacArthur Highway sakay ng isang puting kotse.
Nakarekober ang pulisya ng 11 basyo ng bala ng kalibre .9mm pistola at dalawa mula sa kalibre .45 pistola.
Patuloy na inaalam ng pulisya ang motibo sa pamamaslang. (Dino Balabo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest