2 carjackers todas sa shootout
April 2, 2006 | 12:00am
RODRIGUEZ, Rizal Patay ang dalawang carjacker makaraang makipagpalitan ng putok sa mga kagawad ng pulisya makaraang maaktuhang pinipinturahan ang isang kinarnap na taxi kahapon ng umaga sa Brgy. San Rafael ng bayang nabanggit.
Sa kasalukuyan ay inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga napatay na suspek na nagtamo ng tama sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Samantala, isinasailalim sa interogasyon sina Renae Jane Rono at James Vinluan na nakitang nasa loob ng nakaw na taxi habang pinipinturahan.
Ayon kay P/Supt. Manuel Pion, naganap ang insidente dakong alas-7:45 ng umaga nang makatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen na mayroong taxi na pinipinturahan ng dalawang lalaki na may kahina-hinalang kilos sa kahabaan ng Roll ing Hills, Brgy. San Rafael.
Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Special Weapons and Tactics (SWAT) ng Rodriguez police at naabutan ang dalawang suspek na kasalukuyang may hawak na spray paint at binubura ang mga marka sa puting taxi habang nasa loob nito sina Rono at Vinluan. Subalit hindi pa masyadong nakakalapit ang mga pulis sa mga suspek ay nagsimula nang magpaputok ng baril ang dalawa kaya napilitang gumanti ng putok ang mga awtoridad.
Makalipas ang ilang minutong palitan ng putok at habulan ay bumulagta ang dalawang suspek habang inaresto naman sina Rono at Vinluan.
Napag-alaman pa na kinarnap ng mga suspek ang nasabing taxi dakong alas-5 ng madaling-araw sa Brgy. Pag-asa sa Quezon City na agad namang naia-flash alarm sa mga himpilan ng pulisya.
Sa ginawa namang interogasyon ng pulisya kina Rono at Vinluan, sinabi ng mga ito na pawang biktima rin sila ng mga napatay na suspek dahil ayon kay Rono ay tinutukan siya ng baril sa Quezon City upang parahin ang taxi na kanilang kinarnap at pinababa ang drayber nito. Si Vinluan naman ay kasalukuyang naka-motorsiklo nang tutukan ng isa sa mga suspek at pinabili ng spray paint para ipambura sa mga tatak ng taxi.
Sinabi ng dalawa na hindi sila pinakawalan ng mga napatay na suspek upang hindi makapagsumbong.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended