Municipal engineer tiklo sa kotong
March 25, 2006 | 12:00am
KAMPO HEN. ALEJO SANTOS, Bulacan Bumagsak sa kamay ng pulisya ang isang inhinyerong kawani ng munisipyo ng Sta. Maria, Bulacan makaraang ireklamo ng pangongotong ng isang misis noong Huwebes.
Ang suspek na naaktuhan sa isinagawang entrapment operation ng mga tauhan ni P/Supt. Manny Lopez, hepe ng pulisya sa bayan ng Sta. Maria ay nakilalang si Engr. Angelito Jacinto ng Brgy. Sto. Tomas ng nasabing bayan.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nagpapagawa ng bahay sa Sun Ray Subdivision sa Brgy. Guyong ang biktimang si Aurora Mateo y Confesor ng Tondo, Manila.
Dahil kailangan ng koneksyon sa kuryente, lumapit ang biktima sa suspek upang kumuha ng kaukulang permiso, subalit humingi ng P25,000.
Nagulat man, hindi ito ipinahalata ng biktima, sa halip ay tumawad pa at bumaba sa P23,000 ang kanilang kasunduan.
Tinanong din niya ang suspek kung magbibigay ng resibo, subalit sinabi sa kanya na isang pirasong papel lang ang ibibigay at hindi sigurado kung maikakabit kaagad ang koneksyon ng kuryente.
Dahil dito, humingi ng tulong ang biktima sa pulisya at agad namang nagplano ng isang entrapment operations hanggang sa madakip si Jacinto noong Huwebes, ala-1:45 ng hapon sa loob ng kanyang opisina sa nabanggit na munisipyo. (Dino Balabo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest