Carto sketches ng 3 suspek sa masaker, inilabas
March 24, 2006 | 12:00am
GAPAN CITY, Nueva Ecija Inihatid na sa huling hantungan ang dalawang anak ng negosyanteng si Boy Pascual na kasamang nasawi ng tatlong iba pa sa naganap na pamamaril sa loob ng sabungan noong Lunes ng hapon.
Puno ng pagdadalamhati ang pamilya Pascual nang ilibing ang magkapatid na Ericson at Ebertson Pascual sa Gapan City Public Cemetery kamakalawa ng hapon.
Nabatid sa isang malapit na kaibigan ng pamilya Pascual na kaya inilibing agad ang mag-utol ay upang maibsan ang matinding kalungkutan na kinakaharap ng pamilya.
Sa kasalukuyan ay nagsasagawa pa rin ng malalimang imbestigasyon ang pulisya sa naturang kaso at nagpalabas din ng pitong cartographic sketches ng mga suspek, subalit tatlo lamang sa mga ito ang ibinigay sa mga mamamahayag.
Ayon kay P/Supt. Roel Obusan, hepe ng Intelligence and Investigation Branch ng NEPPO, kasalukuyan nagtutulung-tulong ang pulisya, National Bureau of Investigation (NBI), Regional Mobile Group at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa pagresolba sa nasabing kaso.
Inilarawan ang mga suspek na nakasuot ng damit na may tatak na NBI habang ang iba pa ay nakasuot ng bullcap na may tatak din ng NBI.
Base sa record ng pulisya, niratrat at napatay noong Lunes ng hapon ang mga biktima na nasa loob ng sabungan. Kasamang napaslang sina Dr. Juanito Reyes, Cariño Saning at Jessie Pablo, kapwa sikyu. Sugatan naman ang dalawang iba pa na nakilalang sina Virgilio Malgapo at Michael Carlos.
Napag-alamang target ng mga armadong kalalakihan si Boy Pascual, subalit hindi pamilyar ang mga killer sa katauhan ng negosyante ay agad na nakapagtago sa ligtas na lugar, na humantong sa pamamaril at pagkamatay ng lima at ikinasugat ng dalawang iba pa. (Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest