Lolo kinatay ng 7 mag-uutol

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Isang 60-anyos na biyudong lolo ang pinagtulungang tagain ng pitong mag-uutol makaraang hindi magkasundo sa pinagtalunang lupain sa Barangay Gatbo sa bayan ng Ocampo, Camarines Sur, kamakalawa ng hapon. Animo’y kinarneng baboy ang naging katawan ng biktimang magsasaka na si Apolonio Paular, samantalang tugis ng pulisya ang mga suspek na sina Jesus Flores, Benjamin Flores, Romeo Flores, Alfredo Buenavente, Jessie Buenavente, Victor Buenavente at Danilo Buenavente na pawang residente ng nasabing barangay. Base sa ulat ng pulisya, pinagpipilitang angkinin ng mga suspek ang lupang pag-aari ng biktima kaya nauwi sa matinding alitan hanggang sa maganap ang krimen. (Ed Casulla)

Show comments