Katiwala ng gobernador tinodas
March 23, 2006 | 12:00am
DAET, Camarines Norte Pinaniniwalaang pinaslang ang isang 53-anyos na katiwala ng gobernador makaraang matagpuan ang bangkay nito sa gilid ng kalsadang sakop ng Purok 1, Barangay Bagasbas sa bayan ng Daet, kamakalawa ng madaling-araw. Ang biktimang nagtamo ng malalim na sugat sa noo ay nakilalang si Wilson Desbarro, pansamantalang naninirahan sa Barangay Bagasbas at tumatayong personal assistant ni Governor Jesus Typoco Jr. ng Camarines Norte. Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, sumemplang ang motorsiklo ng biktima kaya tumama ang ulo sa puno, subalit iginiit ni Gov.Typoco na hindi aksidente ang pagkamatay ng biktima dahil sa tinamong sugat sa noo at batok na pinaniniwalaang pinalo ng matigas na bagay. Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa kaso ng biktima. (Francis Elevado)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Doris Franche-Borja | 18 hours ago
By Victor Martin | 18 hours ago
By Omar Padilla | 18 hours ago
Recommended