7 mangingisda na nawawala nasa Vietnam
March 21, 2006 | 12:00am
SUBIC, Zambales Natagpuan na ang pitong mangingisdang naiulat na nawawala noon pang Pebrero 22 makaraang mailigtas ng Vietnamese patrol boat sa karagatang sakop ng Vietman, ayon sa ulat kahapon.
Ayon sa Philippine Coast Guard, ang mga biktima ay naisalba habang nakakapit sa nakalutang na bangkang-de-motor na F/B Rodel 3-JR matapos na salpukin ng malakas na alon habang naglalayag sa karagatang sakop ng Zambales.
May ilang araw din palutang-lutang ang pitong mangingisda habang nakakapit sa ilang bahagi ng bangkang lumubog hanggang sa mamataan ng patrol boat ng bansang Vietnam.
Kabilang sa nailigtas ay sina Judy dela Cruz, Jerry dela Cruz, Efren Taytay, Ian Tabios, Harold Evangelista, Nonoy Rentillo at Jeffrey Gabalani.
Samantala, nakipag-ugnayan na ang Phil. Coast Guard sa Department of Foreign Affairs (DFA), upang mapadali ang pagpapabalik sa bansa ng mga biktima. (Fred Lovino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest