Holdap: Kaanak ng alkalde todas
March 19, 2006 | 12:00am
STA. MARIA, Bulacan Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 23-anyos na binata ng apat na hindi kilalang kalalakihan sa naganap na namang karahasan sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan, kahapon ng madaling-araw.
Naisugod na sa Rogaciano Mercado Memorial Hospital, subalit idineklarang patay ang biktimang si John Joseph Mateo ng Barangay Sacred Heart, Sta. Maria, Bulacan, at malayong kamag-anak ni Mayor Jesus Mateo ng bayang nabanggit.
Ayon sa mga saksi, ganap na alas-3 ng madaling-araw kahapon habang nakikipag-inuman sa anim na kaibigan si Mateo sa bakuran ng kanilang bahay nang dumating ang apat na lalaki na armado ng balisong at baril.
Kabilang sa mga kaibigang kasama ng biktima sa inuman ng alak ay nakilala lamang sa pangalang Christopher, Jeffrey, Jayson, Mark. Paul, at ang dalawang Rossano at Rico na hindi naman umiinom.
"Hold-up ito," ang sigaw ng apat na lalaki sa mga kainuman ng biktima at isa-isang sinamsam ang kanilang mga cellular phone at mga alahas.
Dahil sa nakainom ay nanlaban si Mateo, subalit pinagbabaril siya ng mga holdaper hanggang sa bumulagta.
Sinabi ng mga saksi, hindi nila kilala ang mga holdaper, subalit namumukhaan nila sakaling makita uli.
Nangangalap na impormasyon ang pulisya sa pagkikilanlan ng mga holdaper. (Dino Balabo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest