Opisyal ng pulis itinumba
March 16, 2006 | 12:00am
CAMARINES NORTE Pinagtulungang saksakin hanggang sa mapatay ang isang 37-anyos na opisyal ng pulis sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte sa naganap na namang karahasan sa Barangay 5 ng nabanggit na bayan, kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ang biktima na si SPO1 Edgar Mabeza, hepe ng intel na nakatalaga sa himpilan ng pulisya sa bayang nabanggit.
Sa pahayag ni P/Insp. Edwin Adora, hepe ng pulisya sa bayang nabanggit, si Mabeza ay umalis ng police station ganap na alas- 4:30 ng madaling-araw upang magtungo sa Barangay Manguisoc sa isinasagawang medical mission ng Philippine Charity Sweepstakes Office.
Lumitaw naman sa imbestigasyon na may dalawang kalalakihan ang naghihintay sa harap ng dating telephone station may 100 metro lamang ang layo sa police station.
Posibleng inabangan ng mga killer na pinaniniwalaang kakilala ng biktima dahil natagpuan ang bangkay sa likurang bahagi ng munisipyo sa bakanteng opisina mula sa naturang kinakitaan ng telepone station.
May palatandaang nanlaban pa ang biktima dahil sa mga sugat sa braso at ibat ibang bahagi ng katawan dulot ng matalas na patalim.
Natagpuan sa baybay-dagat ang damit ng mga suspek na hinugasan upang mawala ang marka ng dugo. (Francis Elevado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest