Amerikana pinatay, itinapon sa kanal
March 12, 2006 | 12:00am
Antipolo City Isang 44-anyos na Amerikana na hinihinalang turista sa Pilipinas ang natagpuang may tama ng bala sa ulo at itinapon ang bangkay nito sa isang kanal ng lungsod na ito, lalawigan ng Rizal kahapon ng umaga.
Kinilala ang biktima na si Mila Reener, residente ng Los Angeles, California at pansamantalang naninirahan sa Bacoor, Cavite.
Ito ay natagpuang wala nang buhay na may isang tama ng bala ng kalibre .45 baril sa ulo habang paupong isiniksik sa kanal sa kahabaan ng Sitio Maligaya National Road, Brgy. Dalig, nasabing lungsod.
Nabatid na dakong alas-8 ng umaga nang bigla na lamang magulantang ang mga residente ng lugar nang tumambad sa kanila ang bangkay ng biktima kaya agad silang tumawag sa himpilan ng pulisya na mabilis namang rumesponde sa lugar.
Narekober naman sa pinangyarihan ng insidente ang isang Nokia 6320 at isang basyo ng bala ng kalibre .45.
May teorya ang pulisya na pinatay ang biktima sa nasabing lugar ng dis-oras ng gabi at itinapon ang bangkay nito bago nagsitakas.
Inaalam pa rin ng awtoridad kung biktima ng kidnapping ang babae na sa ngayon ay nakikipag-coordinate na sila sa mga kagawad ng Bacoor police para sa agarang pagkakaresolba ng kaso.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
7 hours ago
Recommended