11-katao tiklo sa cyanide fishing
March 10, 2006 | 12:00am
SUBIC, Zambales Labing-isang sibilyan ang dinakip ng mga tauhan ng Zambales Criminal Investigation and Detection Team sa Barangay Matain, Subic, Zambales kamakalawa dahil sa paggamit ng cyanide. Kabilang sa mga suspek na pormal na kakasuhan ay nakilalang sina Bonifacio Geron, 39; Norman Alibong, Sr., 40; Norman Alibong, Jr., 17; Celso Baguio, 42; Resty Tayelo, 18; Domilito Alibong, 21; Jojit Sitano, 18; Ferdinand Sanches, 24; Meliton Cavuit, 27; at Jennifer Gaerlon, 30, na pawang residente ng nabanggit na barangay. Ayon kay P/Supt. Christopher Tambungan, ZCIDT provincial officer, ang mga suspek ay nakumpiskahan ng mga isdang ginamitan ng cyanide na tangkang ibiyahe sa Metro Manila at ipagbili sa pampublikong palengke. (Fred Lovino)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest