Kalinga masaker: 3 patay
March 10, 2006 | 12:00am
CAMP CRAME Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang tatlong miyembro ng pamilya na ikinasugat ng malubha ng dalawang iba pa sa naganap na karahasan sa Sitio Ubog, Barangay Magsaysay bayan ng Tabuk, Kalinga, Apayao, ayon sa ulat kahapon.
Ang mga biktima na tadtad ng bala ng malalakas na kalibre ng baril ay nakilalang sina Mercy Balangkad Gonzalo, 47; Salvador Candelario Gonzalo, 47; at Charlie Oddoc Cadater, 30.
Kasalukuyan namang inaagaw ni kamatayan ang buhay ng mga biktimang sina Pedro Gallema Gonzalo, 82 at Armstrong Albano Lay-og na kapwa ginagamot sa hindi nabatid na ospital.
Nabatid na kasalukuyang naghahapunan ang pamilya Gonzalo nang sumilip sa siwang ng pintuan sa may kusina ang mga suspek.
Bandang alas-9 ng gabi nang simulang ratratin ang bahay ng mga biktimang magkakatabi sa mesa.
Narekober ng mga nagrespondeng elemento ng 1605th Provincial Police Mobile Group ang mga basyo ng bala ng baril.
May teorya ang pulisya na alitan sa lupa ang isa sa motibo ng krimen habang sinisilip din ang ibang anggulo sa pagmasaker sa mga biktima.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended