P.5-M ari-arian naabo

HERMOSA, Bataan — Aabot sa P.5-milyong ari-arian ang naabo sa naganap na sunog na nagresulta rin sa pagkasugat ng malubha ng mag-asawa sa Barangay Cataning sa bayan ng Hermosa, Bataan kamakalawa. Sa ulat ni P/Senior Supt. Hernando Zafra, Bataan provincial director, nagsimula ang apoy sa kisame ng bahay ng mag-asawang Romulo, 54; at Evangeline Quimbao na kapwa nasunog ang ilang bahagi ng katawan at ngayon ay nagpapagaling sa Bataan General Hospital. Ganap na alas-10 ng umaga nang maapula ang sunog na nagsimula bandang alas-8 ng umaga. Wala namang iniulat na nadamay sa sunog maliban sa mag-asawa. (Jonie Capalaran)

Show comments