2 nag-amok todas sa pulis
March 8, 2006 | 12:00am
CAMP CRAME Dalawang sibilyan, kabilang ang isang ex-Scout Ranger ng Phil. Army ang iniulat na napatay makaraang mabaril ng pulis dahil sa walang habas na pagpapaputok ng baril sa bahagi ng Tagum City, Davao del Norte, ayon sa ulat kahapon.
Kinilala ng pulisya ang mga napatay na sina Danny Santos, 40, ex-Scout Ranger at si Nelson Teleron, 45, jobless, kapwa naninirahan sa Tagum City.
Samantala, nakilala naman ang nakabaril na pulis na si PO1 Alexis Manigo, nakatalaga sa himpilan ng pulisya sa Tagum City.
Base sa ulat, ganap na alas-7:05 nang magpaputok ng baril ang dalawa na animoy nag-aamok.
Napag-alamang nagpapatrulya si PO1 Manigo sa kahabaan ng national highway ng nabanggit na lungsod malapit sa isang malaking restaurant nang marinig ang sunud-sunod na putok ng baril ng mga nagwawalang sina Santos at Teleron.
Mabilis na nagresponde sa nasabing lugar ang pulisya, subalit papalapit pa lamang ito nang akmang babarilin ng dalawa, kaya agad namang inunahan ni Manigo na naging dahilan ng kanilang kamatayan.
Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang mga basyo ng bala ng baril at isang granada.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest