Pasyente sa rehab, nag-suicide
February 27, 2006 | 12:00am
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City Isang pasyente sa Malinao Regional Drug Rehabilitation Center ang iniulat na nag-suicide makaraang matagpuang nakabitin sa loob ng comfort room noong Huwebes ng umaga sa naganap na insidente sa bayan ng Malinao, Albay.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Alexander Alvarez, 41, binata, ng Tapaz Compound, Zone 2, Barangay Balatas, Naga City.
Ayon sa pulisya, ang biktima ay gumamit ng kumot na itinali sa kanyang leeg para magbigti at natagpuan ng kanyang mga kasamahan sa loob ng palikuran sa pagitan ng alas-4 hanggang alas-5 ng umaga.
May posibilidad na matinding depression ang nararamdaman ng biktima dahil sa katagalan sa loob ng nasabing rehab, kaya nagbigti, ayon pa sa pulisya.
Huling namataang buhay na nag-iisa sa pasilyo ng nasabing rehabilitasyon at animoy may malalim na iniisip
Inaalam ng pulisya kung may naganap na foul play sa pagpapakamatay ng biktima. (Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest