Halos matusta ang buong katawan ng mg biktimang sina Jasmin Quitain, 19, stay-in guest relation officer; at Alexander Quilala, 38, operation manager.
Lumitaw sa pangunahing pagsisiyasat ni Inspector Randy Zipagan, hepe ng Baliuag fire station, nagsimulang kumalat ang apoy sa nabanggit na club dakong alas-12:15 ng tanghali.
Hindi naman nagtagal ang sunog at kaagad na naapula ng mga rumespondeng pamatay-sunog.
Napag-alamang ang dalawang biktima ay natagpuang magkayakap sa isang bahagi ng nasunog na disco club.
May posibilidad na linya ng kuryenteng nag-init hanggang sa sumiklab ang apoy.