4 karnaper nasakote
February 16, 2006 | 12:00am
CAVITE Apat na kalalakihan na pinaniniwalaang miyembro ng XRM Crisostomo Gang ang nadakip ng mga tauhan ng pulisya sa bahagi ng Barangay Paliparan 3 sa bayan ng Dasmariñas, Cavite kamakalawa ng hapon. Ayon kay SPO2 Lorenzo Balbuena, ang mga suspek ay nakumpiskahan ng dalawang motorsiklo (NQ2788) ay nakilalang sina Arnold Francisco, 35, ng Blk 163 Lot 8, Paliparan 3; Ruel Ilano, 24, ng Zone 1A; Percival Buganan, 16, ng Blk F4 Lot 10, Sta Cristina 1 at ang lider ng grupo na si Crisostomo Soriano, 39, ng St Anthony Subd sa Barangay 4, Tanza, Cavite. Ayon sa ulat, ang apat ay kumikilos sa bayan ng Dasmariñas at karatig pook na ang pakay ay sikwatin ang mga nakaparadang motorsiklo sa ibat ibang lugar. (Cristina Timbang)
CAVITE Aabot sa P.2 milyon ang natangay ng tatlong kalalakihan mula sa isang bahay-sanglaan sa Barangay San Luis, Dasmariñas, Cavite kamakalawa ng umaga. Base sa ulat ng pulisya, binutas ng mga suspek ang likurang bahagi ng vault ng 3 Diamond Pawnshop matapos na madiskbure ng isang empleyado na si Renante Mojica dakong alas-8 ng umaga. Ayon pa sa ulat, inupahan ng mga suspek ang bakanteng bahay na pag-aari ni Nancy Urias kung saan katabi ng nasabing bahay-sanglaan. Pinaniniwalaang sinamantala ng mga suspek na butasin ang sementadong pader na nag-uugnay sa vault ng pawnshop habang naglilinis. Nakilala naman ng pulisya ang isa sa suspek na si Jimmy delos Santos na ngayon ay tugis ng pulisya. (Cristina Timbang)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest