Reyna ng shabu, kalaboso
February 16, 2006 | 12:00am
ORION, Bataan Bumagsak sa kamay ng mga tauhan ng pulisya, ang isang 32-anyos na babae na pinaniniwalaang reyna ng shabu na nagpapakalat ng droga sa tatlong bayan sa Bataan sa isinagawang drug bust operation sa Barangay Lati, Orion, Bataan kamakalawa.
Kasalukuyang naghihimas ng rehas na bakal ang suspek na si Edna Bundang, 32, may-asawa, at naninirahan sa nabanggit na barangay.
Sa inisyal na imbestigasyon ni PO1 Limuel Aguilar, isinagawa ang buy-bust ganap na alas-11:20 ng umaga matapos na maging poseur buyer ni PO1 Nathalian Robles laban sa suspek.
Napag-alamang nakahanda na rin ang isang warrant of arrest na inisyu ni Judge Antonio Quintos ng Bataan Regional Trial Court, sakaling pumalpak ang nasabing operasyon.
Hindi naman nagtagal ay nadakip ang suspek at nakumpiska ang 9 na plastic sachets ng shabu at P100 mark money na ginamit sa buy-bust operation.
Si Bundang ay pinaniniwalaang supplier ng shabu sa mga bayan ng Limay, Orion at Balanga City na matagal nang tinitiktikan at isa sa most wanted sa talaan ng pulisya.
Isinampa na ang kaukulang kaso laban sa suspek sa RTC-Bataan dahil sa paglabag sa Section 5 at 11 Article 11 RA 9165 na mas lalong kilala sa Dangerous Drug Act of 2002.
Ayon pa sa ulat, tinitiktikan na rin ng pulisya ang iba pang kasamahan ng suspek sa tatlong bayan sa Bataan. (Jonie Capalaran)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 51 minutes ago
By Cristina Timbang | 51 minutes ago
By Tony Sandoval | 51 minutes ago
Recommended