Shootout: Tulak dedo, 3 pulis sugatan
February 16, 2006 | 12:00am
CAMP CRAME Napatay ang isang notoryus na drug pusher, habang tatlo namang pulis ang nasugatan makaraang manlaban ang una nang hagisan ng granada ang arresting team ng pulisya sa isinagawang buy-bust operation hanggang sa mauwi sa shootout sa Lapu-Lapu City, Cebu kamakalawa ng gabi.
Batay sa ulat, dakong alas-9:15 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga pulisya sa Mactan Proper laban sa napatay na drug pusher na si Roberto Baring at ang nakatakas nitong pinsang si Diego Oyao, may 100 metro lamang ang layo mula sa bahay ni Mayor Arturo Radaza.
Si Baring ay hindi na umabot ng buhay sa Lapu-Lapu City District Hospital matapos na masapul ng mga tama ng bala sa ibat ibang bahagi ng katawan sa naganap na shootout.
Nabatid na papalapit pa lamang ang pangkat ng pulis na isisilbi sana ang warrant of arrest nang paputukan ng grupo ni Baring hanggang sa mauwi sa palitan ng putok sa pagitan ng magkabilang panig.
Sa kalagitnaan naman ng bakbakan ay may naghagis ng granada na pinaniniwalaang mga kaalyado ni Baring at ikinasugat ng tatlong pulis na sina PO3 Frederick Islit, PO2 Jomar Ybanez at Roberto Pepito na pawang miyembro ng Special Weapons and Tactics (SWAT) team.
Nabatid na may sanlinggo nang isinasailalim sa surveillance operation ang nabanggit na lungsod matapos na mabatid sa kanilang tipster na nagtutungo ang mga parukyano ng mga suspek.
Dahil sa armado ang grupo ni Baring ay SWAT team ng pulisya ang pinalusob sa nasabing lugar na nauwi sa shootout at hagisan ng granada.
Lumilitaw pa sa imbestigasyon na si Bo Oyao, pinsan ni Diego ay siyang kilalang drug lord sa lugar na nasa talaan ni Cebu City Rep. Antonio Cuenco. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
1 hour ago
Recommended