2 magsasaka itinumba

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Dalawang magsasaka ang pinagbabaril hanggang sa mapatay sa kanilang bahay sa naganap na magkahiwalay na karahasan sa Albay at Masbate kamakawa. Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Ireneo Rempillo, 52, ng Barangay Talisay sa bayan ng Oas, Albay; at Rodolfo Aljecera, 27, ng Barangay Mabuhay sa bayan ng Batuan, Masbate. Base sa ulat ng pulisya, si Rempillo ay papalabas ng kanyang bahay nang upakan ng hindi kilalang lalaki sa nabanggit na barangay, samantalang si Aljecera naman ay pinagbabaril ng suspek na si Exequiel Barvante, habang nagpapahinga sa labas ng sariling bahay sa nasabing lugar. Kasalukuyang inaalam ng pulisya ang motibo ng magkahiwalay na krimen. (Ed Casulla)

Show comments