^

Probinsiya

Pulis kalaboso sa kasong rape

-
CAMP CRAME – Kalaboso ang binagsakan ng isang tauhan ng pulis makaraang akusahan ng pangmomolestiya ng isang 14-anyos na dalagitang elementary pupil sa bayan ng Ligao City, Albay, ayon sa ulat kahapon.

Nahaharap ngayon sa kasong rape thru sexual assault sa ilalim ng Republic Act 7610 ang suspek na si PO3 Prosper Ty ng 502nd Provincial Police Mobile Group (PPMG) sa Albay Provincial Police Office (PPO).

Kinilala naman ang biktimang itinago sa pangalang Katrina, Grade 6 pupil at residente ng Barangay Paulog ng nabanggit na lungsod.

Ayon sa salaysay ng biktima, mahimbing siyang natutulog sa kaniyang kuwarto, bandang alas-4 ng madaling-araw nang magising siya habang hinihimas ng suspek ang kanyang maseselang bahagi ng katawan.

Dinaliri umano siya ng nasabing pulis sa maselang bahagi ng kaniyang katawan at tuluyang naisagawa ang maitim na balak.

Ang suspek ay mabilis na tumakas matapos molestiyahin ang dalagita na sinamantala ang labis na pagtitiwala ng mga magulang ng bata sa paglalabas-masok sa bahay ng biktima.

Bagaman matindi ang takot sa suspek ay napilitan ang biktima na ipagtapat ang insidente sa kaniyang mga magulang na nagsuplong naman sa himpilan ng pulisya na nagresulta sa pagkakadakip sa abusadong pulis.

Maliban sa kasong rape ay nahaharap din ang suspek sa kasong administratibo at posible pang madismis sa serbisyo, kapag napatunayang guilty sa kaso. (Joy Cantos)

vuukle comment

ALBAY

ALBAY PROVINCIAL POLICE OFFICE

AYON

BAGAMAN

BARANGAY PAULOG

JOY CANTOS

LIGAO CITY

PROSPER TY

PROVINCIAL POLICE MOBILE GROUP

REPUBLIC ACT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with