Mayor hinostage ng mga rebelde
February 7, 2006 | 12:00am
CAMP CRAME Hinostage ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) na naka-fatigue uniform at nagpanggap na mga sundalo ang isang alkalde makaraang salakayin ang bahay ng lokal na opisyal at ang himpilan ng pulisya na natangayan pa ng mga armas kamakalawa ng hapon sa bayan ng Lingig, Surigao del Sur.
Sa phone interview, sinabi ni Chief Supt. Rene Elumbaring, Regional Director ng CARAGA Police Regional Office , dakong alas-3:30 ng hapon nang lusubin ng mga armadong rebelde ang munisipyo ng Lingig kung saan ay hinostage si Mayor Roberto Luna na ginawang kalasag sa pagsalakay sa himpilan ng pulisya.
Sinabi naman ni Lt. Col. Francisco Simbajon, Spokesman ng Armys 4th Infantry Division, ang mga rebelde ay lulan ng kulay asul na van at iba pang mga sasakyan na nagpanggap na bisitang mga sundalo, subalit pagpasok sa loob ng bahay nito sa Poblacion ay hinostage si Mayor Luna.
Dinisarmahan pa ng mga rebelde ng apat na M16 at isang M203 grenade launcher ang mga bodyguard ni Mayor Luna saka ginawang hostage sa pagsalakay sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Lingig.
Hindi na nakapormang lumaban ang mga pulis na bantay matapos na mapalibutan ng mga rebeldeng na hawak pa ang kanilang alkalde at sapilitang ipinasusuko ang kanilang mga armas matapos silang padapaing lahat.
Natangay ng mga rebelde ang 15-M16 rifles, 3-maiksing baril, isang Winchester shotgun, isang granada at isang rifle grenade matapos ransakin ang nasabing himpilan.
Ang mga rebelde ay mabilis na tumakas tangay ang alkalde na tumahak sa hindi pa malamang destinasyon at pagsapit ng bandang alas-5 ng hapon ay pinawalan din ang lokal na opisyal.
Sa kasalukuyan, inatasan na ni Major Gen. Cardozo Luna, hepe ng Armys 4th Infantry Division, ang Armys 36th Infantry Battalion (IB) para tumulong sa puwersa ng pulisya sa isinasagawang hot pursuit operations laban sa umatakeng grupo ng NPA rebs. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest