Rapist hinatulan ng 5-life
February 4, 2006 | 12:00am
Limang habambuhay na pagkabilanggo ang inihatol ng mababang korte laban sa isang lalaki na napatunayang humalay ng limang bebes sa kanyang anak-anakang babae sa Barangay Paliwas sa bayan ng Obando, Bulacan noong Setyembre 2000.
Sa siyam na pahinang desisyon ni Judge Ma. Belen Ringpis-Liban ng Malolos Regional Trial Court, Branch 85, hinatulan ng limang ulit na habambuhay na kulong ang akusadong si Efren Dionisio ng nabanggit na bayan.
Bukod sa hatol na habambuhay ay pinagbabayad ng korte ang akusado ng P125,000 sa biktima bilang danyos perwisyo.
Base sa rekord ng korte, naganap ang krimen laban sa biktimang 13-anyos noong gabi ng Sep. 16, 2000 at naulit noong Sep. 17, 18 at dalawang beses naman noong Sep. 19, 2000 sa nabanggit na bayan.
Lumitaw din sa pagsusuri ni Dr. Ivan Richard Viray, na ang biktima ay kumpirmadong hinalay dahil sa presensya sa maselang bahagi ng katawan na deep healed laceration.
Binalewala ng korte ang alibi ng akusado, bagkus ay binigyan ng timbang ang testimonya ng biktimang menor-de-edad. (Mario D. Basco)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest