^

Probinsiya

7 Barangay tanod sugatan sa sagasa ng jeep

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
7 Barangay tanod sugatan sa sagasa ng jeep
Kinilala ang mga nasugatang biktima na sina Danilo de Castro, 63-anyos; Raul Soriano, 55; Arnold Claluan, Nelson Casao, Jocelyn Macatangay; pawang 49-anyos; John Rommel Dinglasan at Alex Perez; kapwa 32-taong gulang.
STAR/File

MANILA, Philippines — Pitong barangay tanod ang iniulat na malubhang nasugatan matapos na masagasaan ng rumaragasang jeepney sa Batangas City nitong Biyernes, Araw ng mga Patay. 

Kinilala ang mga nasugatang biktima na sina Danilo de Castro, 63-anyos; Raul Soriano, 55; Arnold Claluan, Nelson Casao, Jocelyn Macatangay; pawang 49-anyos; John Rommel Dinglasan at Alex Perez; kapwa 32-taong gulang.

Ang mga biktima ay pawang nagtamo ng matinding sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan at patuloy na nilalapatan ng lunas sa pagamutan.

Sa report ng Police Regional Office (PRO) IV A, nangyari ang sakuna sa kahabaan ng highway ng Brgy. Tulo ng lungsod na ito bandang alas-4:40 ng hapon.

Ayon sa imbestigasyon, habang naglalakad ang mga biktima sa tabi ng highway nang biglang sumulpot ang isang humahagibis na jeepney na minamaneho ng isang alyas “Gardo” at tuluy-tuloy na inararo ang mga biktima na hindi na nagawa pang umiwas at pawang duguan na napalupasay sa kalsada.

Ang mga biktima ay mabilis na isinugod sa pagamutan ng mga sumaklolong rescuers para malapatan ng lunas.

Lumilitaw na nasa impluwensya ng alak ang driver ng jeepney na nagbunsod sa sakuna.

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with