^

Probinsiya

Maglola dedo sa kuryente

-
HERMOSA, Bataan – Maagang sinalubong ni kamatayan ang maglola makaraang makuryente ang mga biktima sa nakabuwal na posteng kawayan, kamakalawa ng umaga sa bahagi ng Barangay Cataning sa bayan ng Hermosa, Bataan.

Hindi na umabot ng buhay sa Orani District Hospital ang mga biktimang sina Jerome Bangcula, 7 at Africa Sunglao, 65, kapwa nakatira sa Barangay A. Rivera sa bayang nabanggit.

Ayon sa barangay chairman ng Barangay Cataning, naitala ang insidente dakong alas-7:45 ng umaga habang naglalakad ang maglola patungo sa isang bahay ng kanilang kamag-anak sa Barangay Pulo.

Pagsapit sa nasabing barangay ay nadulas ang bata sa pilapil na nilalakaran at nahawakan nito ang kawayang poste ng kuryente na bumagsak sa kanilang daraanan na ikinasawi ng mga biktima.

Subali’t kakaiba ang ulat ni SPO4 Nicanor Leva, Hermosa, na matagal ng nakabuwal ang naturang poste, kaya’t sinisisi ng mga pulis ang mga opisyal ng Barangay Cataning kung bakit hindi nila agad ipinaayos ang nabuwal na poste na may linya ng kuryente, kaya’t noong madapa ang bata ay nahawakan ang talop na linya hanggang sa mangisay.

Sinaklolohan naman ng lola ang kanyang apo, subali’t maging ang matanda ay nakuryente. (Jonie Capalaran)

AFRICA SUNGLAO

BARANGAY

BARANGAY A

BARANGAY CATANING

BARANGAY PULO

HERMOSA

JEROME BANGCULA

JONIE CAPALARAN

NICANOR LEVA

ORANI DISTRICT HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with