Kinilala ang nasawi na si PO1 Joel Cosme, nakatalaga sa Administration Holding Center sa Camp Crame at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-NCR).
Kasalukuyan namang nilalapatan ng lunas sa tinamong tama ng bala sa katawan ang suspek na si PO1 Nelson Mariano.
Batay sa ulat ni P/Senior Supt. Don Montenegro, Batangas provincial director, ang dalawang pulis ay kasalukuyang nag-iinuman ng alak, kaugnay sa dinaluhang birthday party sa nasabing lugar.
Dahil sa hindi inaasahang pagkakataon ay bigla na lamang nagpaputok ng baril sa ere si Mariano at bunga nito ay sinaway ito ni Cosme dahil sa nakakaalarma sa mga sibilyan.
Dahil dito ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng dalawa kung saan sa halip na paawat ay pinagbalingang barilin ni Mariano si Cosme na bagaman masama na ang tama ay nakuha ring makipagbarilan sa una. (Joy Cantos, Ed Amoroso at Arnell Ozaeta)