Sa talaan ng pulisya ay umaabot na sa kabuuang 24 cell site ng Globe Telecommunications ang sinasabotahe ng NPA rebels simula pa noong Hulyo 2005 hanggang sa kasalukuyan.
Batay sa ulat, dakong alauna ng madaling-araw nang lusubin ng mga armadong rebelde ang cell site ng Globe.
Agad na dinisarmahan at iginapos ng mga rebelde ang tatlong security guard na sina Gil Mendoza, Levy Bonife at Ray Bruno saka binuhusan ng gasolina at sinilaban ang nasabing cell site.
May teorya ang mga awtoridad na ang pananabotahe sa isa na namang cell site ay bunga ng mariing pagtanggi ng pangasiwaan ng kumpanya na magbayad ng revolutionary tax sa makakaliwang kilusan.
Matatandaan na noong Enero 9 ay pinasabog din ng mga rebeldeng ang Digitel Telecommunications ng Sun Cellular sa pamamagitan ng paggamit ng Molotov bombs at gasolina.
Naglunsad na ng hot pursuit operations ang pinagsanib na elemento ng militar at pulisya laban sa grupo ng mga rebelde na responsable sa naganap na pananabotahe. (Jonie Capalaran)