2 mister nilikida

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Dalawang mister ang iniulat na nasawi makaraang pagbabarilin at pagsasaksakin ng dalawang lalaki habang lulan ng sasakyan at bumabagtas sa kahabaan ng highway na sakop ng Barangay Awayan sa bayan ng Sipocot, Camarines Sur kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Joel Tabor at Wilmer Rili, 45, kapwa may asawa at residente ng Barangay Sibulo, Libmanan. Nakaligtas naman ang kanilang kasamahang si Dennis Alarma na pinagbabaril din habang papatakas sa crime scene.

Tugis naman ng pulisya ang mga suspek na sina Ronnel Castillo at Herminio Azanon. Naitala ang krimen ganap na alas-4 ng hapon matapos na harangin ang dalawang biktima na sakay ng motorized skate patungo sa bayan ng Libmanan. (Ed Casulla)

Show comments