1 patay, 1 kritikal sa rambulan ng sasakyan
January 21, 2006 | 12:00am
CAVITE Isa ang patay habang isa pa ang kritikal matapos na maipit ang mga ito sa naganap na rambulan ng sasakyan, kamakalawa ng gabi sa kahabaan ng Aguinaldo Highway sa Barangay Anabu 2-C, Imus.
Kinilala ni P/Supt. Efren Castro ang nasawi na si Ronald Aviles, 33-anyos at residente ng 9 Cambodia St. Better Living Parañaque City, habang kritikal naman si Ronald Bautista ng Phase 1 B-49 L-43, Mary Cris Complex, Bo. Ilang Ilang, General Trias, Cavite.
Agad namang sumuko sa pulisya si Nelson Llanera, driver ng Jeep ng Barangay Sta Cristina 2, Dasmariñas, Cavite, habang mabilis namang tumakas ang isang hindi nakilalang driver.
Batay sa imbestigasyon ni PO2 Noriel Aninao De Jesus, dakong alas-10:40 habang binabaybay ni Ronald Bautista ang nasabing lugar patungong Imus sakay ng kanyang motorsiklo na may plate no. PK 9608 ng bigla na lamang itong tumbukin sa tagiliran ng hindi nabatid na sasakyan dahilan upang humagis ang motorsiklo sa kabilang lane.
Dito ay tumama ang motorsiklo sa isang pampasaherong jeep na minamaneho ni Llarena, habang mabilis namang tumakas ang bumangga sa motorsiklo ni Bautista na aksidente ring nabangga nito ang isang Asia Star Scooter na may plate no. EC-3888 na minamaneho naman ni Aviles dahilan upang ito ay maipit at tumilapon din.
Agad na isinugod sa Our Lady of Pillar Medical Center si Aviles ngunit ideneklarang dead-on-arrival na ito samantalang kritikal naman sa De La Salle University Medical Center si Bautista at kasalukuyan namang iniimbestigahan ang kaso upang matukoy ang hindi pa nakilalang tumakas na sasakyan at driver nito. (Cristina G. Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
17 hours ago
Recommended