Kabesa nilikida sa tindahan

CAMP OLIVAS, Pampanga – Maagang kinalawit ni kamatayan ang isang barangay chairman makaraang pagbabarilin ng mga hindi kilalang kalalakihan habang ang biktima ay nasa loob ng kanyang tindahan sa Barangay Pandacaqui sa bayan ng Mexico, Pampanga kahapon ng umaga. Binistay ng bala ang baril ang biktimang si Ismael Lampa, samantala, palakad na tumakas ang mga armadong kalalakihan sa hindi nabatid na direksyon. Napag-alamang magbubukas ng kanyang tindahan ang biktima nang pumasok ang mga armadong kalalakihan na pinaniniwalaang rebeldeng New People’s Army (NPA) saka isinagawa ang pagpaslang. (Resty Salvador)

Show comments